First day namin bukas. May pasok na naman. Haha. Pero excited na din ako. Last year ko na din kasi ‘to as a college student kaya sasagarin ko na. Haha. (Gah. I feel so old. >_< Meehee.)
Magsh-share na din ako ng sa tingin ko pwedeng tips for incoming freshmen and students alike.
- Masaya sa college, pramis! Syempre bagong environment, bagong mga tao, bagong experience, halos bago karamihan. Kaya wag ka matakot magpakatotoo sa sarili mo, everyone respects individuallity in college.Mas meenjoy mo ang college life mo pag ganun.
- TIME-MANAGEMENT Sa college, matututunan mong madami kayong free time pag 1st and 2nd year niyo. Nasa sayo yan kung san mo gagamitin ang free time mo. Pwedeng sa leisure o kaya sa pag-aaral. Pero mas mabuti na 1st year palang, e marunong ka na sa time management. Kasi pagdating ng 3rd at 4th year, jan na yung halos karamihan ng major subjects niyo, at kung hindi ka marunong ng time management, ikaw din yung kawawa. Mahirap ang mag-cramming. Wala ding magandang resulta pag nagc-cramming ka. Pwede ka namang magsaya, basta ba alam mo kung pano gamitin ang oras mo. :)
- Don’t be afraid to try something new. Wag kang matakot mag-try ng bago ngayong college. Wag masyado maging mahiyain. Sa college, pinili mo kung ano yung gusto mong course, kung ano yung sa tingin mo e mag e-excel ka, yung sa tingin mo may talent ka sa field na yun. Kaya dapat wag mo sayangin. Sayang naman kung hindi mo ie-explore and abilities, talents, and skills mo ngayong college diba?
- Be friendly. :) Masaya kapag madami kang kaibigan. Kaso minsan nakakainis lang na tatawagin at ile-label ka pang FC e nakikipagkaibigan ka lang naman. Sakin, pabayaan mo nalang yung mga taong ganun, madami pa naman jang pwede mong maging kaibigan e. Sa college madami ang makikilala mo at kadalasan, sila yung mga magiging kaibigan mo for the longest time. :) It pays to be friendly kung yung mga makikilala mo e yung mga totoong kaibigan.
- ADJUSTMENT. Pagpasok mo ng college, for sure madaming bago jan. Bagong experience, bagong kaibigan, bagong school, bagong environment, at kung ano-ano pang bago, kaya sa una, mahirap talaga ang mag-adjust. Di tulad sa high school, sa college iba ang schedule, minsan may 1-2 hours kayong vacant bago ang next subject, palipat-lipat ng classrooms, paiba-ibang kaklase sa bawat subject at paiba-iba ding buildings. Pero unti-unti, masasanay ka din.
- College is a continuation of what you have learned in elementary and high school.Kung tutuusin, last stage ng pag-aaral sa buhay estudyante ang college (kung wala kang balak mag-masteral at doctoral degree). Lahat ng natutunan mo nung elementary at high school ka e magagamit mo din naman ngayong college, kasi back to basics din lang sa una. Tulad sa subjects, minor subjects ang Math, English, Filipino at PE. Pero unang-una sa lahat, wag mong kalilimutan ang subject na tinuro na satin ng ating mga magulang simula pa nung bata pa tayo, GMRC (Good Manners and Right Conduct). Matanda na tayo, alam na natin ang tama at mali. Sa college, bihira na tayo pagsasabihan ng mga profs natin kung ano ang dapat at hindi dapat gawin kaya dapat, we should be responsible enough for our every action. Sabi nga nila, respect begets respect. Di ba?
- INDEPENDENCE. Ngayong college ka na, mararamdaman mo na ang independent life. Hindi katulad nung elementary at high school na maaga pa ang curfew at madami-dami pa ang bawal, ngayong college eh mababawasan na siguro ang bawal at curfews mo. Pero tandaan lang na sa independence na binibigay satin ng parents natin, kasabay niyan ang pagiging responsible sa lahat ng gagawin natin. May tiwala ang parents natin sa atin kaya binigyan tayo ng independence, kaya dapat lang gamitin natin sa tama. Nasa sayo din naman yan e.
- SMILE! :) Be confident. Wag mong kakalimutang ngumiti. Ma-re-realize mo na madaming reason para ngumiti ka ngayong college. Madaming excitements at bagong experience pa ang maf-feel mo. Simula palang yan! :)
Sige, sana makatulong tong tips ko sainyo. :)
Goodluck sa mga freshmen students na magsisimula palang ng college life! Enjoy! :)
Goodluck din sa last year namin in college. :D
No comments:
Post a Comment