Uso naman lagi kasi ang New Year’s resolution tuwing New Year. Kadalasan, hindi naman nagagawa ng iba kasi hanggang drawing at sulat lang. I’m listing these things na I hope magawa ko, pero kung hindi ko magawa yung iba, ayos lang, kasi hindi naman ako nag-promise kaya no regrets. :D Still, sana talaga magawa ko karamihan dito.
From last year’s list that I want to continue:
- Get more sleep.
Seriously. Kelangan ko talaga neto. Alam ko naman kasi, by the end of January and early Feb, kulang na kulang na neto, with thesis mode is on at malapit na din ang defense. And by June, mas lalo. Graduating na kasi. 4th year na ako. Hoooooo! :-)
- Be less concerned.
Kelan ko lang to narealize. Pero actually, matagal ko na din to gusto gawin. Bakit? Minsan kasi, masyado akong concerned sa iba, yung tipong inaalala ko sila palagi, na hindi ko napapansin, minsan naf-feel ko, yung iba naman sakanila e, wala lang. Wala ka lang sa kanila. Nakakaasar na kasi minsan yun. Not to mention nakakalungkot din. Kasi kahit gano mo ipakita na mahalaga sila sayo, hindi naman nila pinapahalagahan. Sino naman ang matutuwa sa ganun diba? Kaya nga this year, magbabawas na ako ng mga taong papakitaan ko ng care. Sabe nga ni Anj, why waste my time na ipakita sa kanila na nagc-care ako, kung meron namang mga ibang tao pa na mas deserve ang care na pinapakita ko sakanila.
Ganun lang naman kasi ako e. I’m a friendly person naman. :) I don’t pretend to be someone I’m not para lang dumami ang friends ko. Hindi ako plastic. The way I’ll treat you will depend on how you treat me, too. :) Treat me good, I’ll definitely treat you better. :)
- Be less moody.
Minsan kasi, may pagka-moody ako. :D I have my own “silent tantrums”. Yung pag galit or naaasar o naiinis na ako, tatahimik nalang ako bigla. Titingin nalang sa malayo o kaya naman aalis nalang. Yung tipong bigla nalang ako hindi magsasalita at hindi na makikipag-usap. Akin kasi, less talks—-less mistakes. Baka makasakit lang ako pag nagsalita ako kaagad pag galit ako. Diba?
Sudden outbursts of emotion is not good. Inaantay ko nalang muna na mawala yung asar/galit/inis ko. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako ganun kadaldal ah. Haha. :D Minsan kasi, may mga times na mas gusto ko mag-isa, para makapag-isip isip din.
- More focused. More aggressive sa opportunities.
Haha. :D Kulang ako neto. Madali kasi ako ma-distract sa mga bagay-bagay. Short attention span ba. :P Pero pag gustong-gusto ko talaga yung ginagawa ko, nagiging focused naman ako.
More aggressive sa opportunities. Eto wish ko din magawa. Kadalasan kasi, nahihiya ako gawin ang isang bagay lalo na pag sa harap na ng madaming tao (na hindi ko gaano kilala). Gagawin ko na talaga to this year. 4th year na eh. So I’ll grab as many opportunities as I can. :)
- Lovelife?
Hahahaha! :DD Wishing. Wishing. Wishful thinking? :DDDD Hmm. Pero siguro after grad nalang muna. :D
- Finish my own little stories. :D
Sana ma-publish ko, kahit dito lang sa blog ko or some other website yung mga ginagawa kong short stories. Hmm. Sa mga classmates ko palang kasi yun pinapabasa, ewan, mejo nahihiya pa kasi ako. :D Pero sabi nila i-post ko na daw dito sa blog ko at kinukulit nila akong tapusin ko na daw kasi bitin daw pag chapter by chapter lang. XDThis year:
- Pass the Boards and be a RN! :)
- Never be late again.
Or at least most of the time.:D - Read more. and more. and more.
- Save often.
- Lessen being impulsive when buying stuffs.
- Volunteer in a youth org/an orphanage/an outreach program.
No comments:
Post a Comment